Friday, July 18, 2008

Blind Item 36: Review My Sleep!

Kontribusyon

DaWho itong blogger na magaling. Sobrang galing... matulog! Eto ang eksena:

May isang ahensya na nakipag-ugnayan kay blogger para sa isang maliit lang na proyekto. Si ahensya ay magpapahiram ng isang bagay kay blogger para masubukan at masuri ito kapalit ng pagsusulat tungkol sa produkto. Masama or mabuting puna ay hindi mahalaga, basta lang masubukan ni blogger ang gamit. Nung araw na may meeting ang dalawa upang ibigay na ni ahensiya ang produkto, ay nagkaroon ng konting... tulugan.

Si ahensya ay nagpunta ng maaga sa kanilang tagpuan upang hintayin si blogger. Makalipas ang 10 years, hindi pa dumarating si blogger. 20 years, wala pa rin.  Tinawagan ni ahensya si blogger ngunit hindi ito sumasagot ng kanyang telepono. Nung umabot na ng 48 years, na-possess ata si ahensiya ng Ace of Base at napaawit ng "I Saw The Sign" kaya may-i decide na lang si ahensya na... puntahan si blogger sa bahay para ihatid ang gamit.

Bring-your-own baon pa si ahensiya ng josolubong para kay blogger. Nang makarating si ahensiya sa bahay ni blogger ay na Regal Shocker ito sapagkat ang sumalubong sa kanya ay isang kasambahay (di na sinabi sa amin kung longkatuts [katulong], major dome [mayor doma], shopatembang [kapatid], o kamag-anakan to the nth level ang welcome party). Ang isplukara ng welcome party ay: "Blogger is sleeping." Taray diba?

Magaling talaga itong blogger na ito... magaling sumunod sa appointment at mas magaling matulog.

DaWho si Review My Sleep?

Isang clue lang...







promise madali lang hulaan...









scroll down pa ng konte....









konti pa.....









last na...








ang clue: Blogger siya!

Yun lang, Babu na ang DaWho! 

Tuesday, July 15, 2008

Blind Item 35: Serial Commenter, Serial Dater

Kontribusyon mula sa kalawakan ng magaganda.

Sino itong blogger na hindi gaanong kilala (eh bakit ba siya nilagay dito kung hindi siya kilala? ika nga ng "I Kell You" video, "Ano paki u!" at "Kung ganon eh huwag kayong tumawag dito.") na parang may Silver Swan sa utak.

Ayon sa aming mga impormante, ang blogger na ito ay mahilig mag blog-hop at may-i-comment sa mga blog ng piling-piling mga utashment (read: tao). Okay lang naman diba na mag-blog-hop at mag-comment? Eh ang problema sa blogger na ito ay akala niya ata ay hulog siya ng kalawakan para sa lahat ng kababaihan. Namimili din ito ng mga blogs na iniiwanan niya ng marka.  At ang mga komento nito'y tila ba nagsasabing, hulog ako ng langit (buti hindi ako namatay nung nahulog ako no?) kaya magpa-anak ka sa akin.  Ay, hindi pala.  Kaya pwede ba tayong mag date?

Hindi lamang iisang blogger ang nagsuplong sa blogger na ito sa mga kinauukulan (ehem, ehem).  May we all konek-da-dots ang mga bloggers na bubuwit dahil bawat isa sa kanila (pati na rin ang mga friendivas nila) ay na-anyayahan na nitong superkulit (sa text at sa tawag at sa comments) na blogger na makipagdate sa kanya.

Mahaba pa ang kwentong ito, pero alam naming boredom is in the house already, kaya we'll stop na.

DaWho itey?

Clues:

  1. Lalaki siya (malamang no?)
  2. Hindi siya gaanong kilala (ano paki u?)
  3. Malamang nakapag-comment na siya sa blog ng kaibigan ng kaibigan ng labandera ng nanay ng kapitbahay ng katulong ng call center agent na sumagot ng tawag mo nung inireklamo mo ang iyong ISP dahil mabagal ang connection ng dial-up Internet mo.
  4. May blog siya (naman!)
Yun lang, Babu na ang DaWho! 

Thursday, July 10, 2008

Blind Item 34: Sasakyan Kita!

Kontribusyon.

Sino itong blogger na sobrang galing mag-commute. Magaling mag-hitchhike.  No, hindi pagkokomyut sa kalsada. Magaling ito sa sakayan. Sa pakikisakay. Uhm, Blog Hitch-hiking?

Lahat ng isyu kayang sakyan nitong blogger na to. Okay lang naman yon diba? Dahil nga may sense of community chenelyn chenes naman tayong lahat? Tama. Pero marami-rami na rin ang nakapansin sa ugali nitong blogger na ito.  San ka pa? May I comment on your Blog, on your Twitter, on your Plurk, on your everything! Ang masagwa dito ay lahat ng bagay (isyu man o hindi) ay kaya niyang sakyan at lahat may relate sa buhay niya.

"Ah, me too."
"I have one like that, only better."
"Imagine my shock when I fond out that my (insert item, thing, or object here) is bigger and better than yours."

Oh diba? Ang taray lang!

Sino siya?

Clues:

  1. blogger siya
  2. may Twitter
  3. may Plurk
  4. may blog
  5. may buhay


Yun lang, Babu na ang DaWho!

Thursday, July 3, 2008

Blind Item 33: KaliweText?

At kami'y nagbalik. Maraming salamat sa inyong pagtangkilik. Ipagpatuloy sana ninyo ang pagpapadala ng inyong mga DaWho!

Eto na! Pasabog!

Sino itong blogger na nahuli ng aming mga bubuwit sa akto! Sa isang kaganapan nitong mga nakaraang araw, linggo, at buwan, ay nagsaya ang mga blogger. Ngunit namataan itong blogger na ito na mukhang mas masaya kesa sa iba. Di maikubli ang kanyang mga ngiti habang nagte-text. Itong bubuwit naming ito ay maysapagka-usisera (ganyan ang dapat na bubuwit!) at may-I-view sa texting capabilities ng blogger na ito.

Maayos naman ang pagtitext. Medyo sweet nga raw. Tipong: "Oo naman. Eh kung nagkita na tayo, mamahalin mo pa rin ba ako?" O diba? Sweet nga!

Pero hindi riyan nagtatapos ang lahat. May dagdag pang: "May utang ka pa sa aking yakap at halik." O, san ka pa?

Okay yung text diba? Eh nung sinend na, namataan ng aming usiserang bubuwit na sinend ito sa isang number na hindi naman naka-register sa phone. Eh ano naman diba?

Ang siste eh, si blogger ay may partner na! Si partner ay hindi sumama kay blogger nung event na yon. Marami rin ang nakakakilala kay blogger's partner.

Da Who ang blogger na ito?

Clues:

  1. Blogger Siya
  2. Umaattend ng events
  3. May cellphone na maganda
  4. Pinagduduhan siya ng iba
  5. MayPlurk (ata)!

Yun lang, Babu na ang DaWho!

Follow us on PLURK!

Babala:

Kaya kung ikaw ay isang blogger at may ginagawang kababalaghan, kasakiman, pang-aapi, pang-gugulang, at kung anupamang ka-echosan, mag-ingat at siguraduhing walang nakakakita sa iyo. Dahil kami ay may mga mata at tenga everywhere!
 
Clicky Web Analytics